Pagmamay-ari
Ang unang kabanata ay tungkol sa pagmamay-ari. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa paksang ito, nagsimula ang may-akda sa doktrina ng paglikha. Para sa kanya, ang ganitong klase ng panimula ang nagbigay ng kaibahan sa kaniyang pamamaraan kung ihahambing sa pamamaraan ng iba pang mga ekonomista. Sa pamamagitan ng paggigiit sa kahalagahan ng doktrina ng paglikha sa ekonomiya, pinangatuwiranan niya na ang daigdig, tao, mga batas sa ekonomiya, at paglago ng ekonomiya ay hindi lubusang mauunawaan ng hiwalay sa Diyos. Ang doktrina ng paglikha ay nagsilbing batayan sa katotohanan na tanging ang Diyos lamang ang orihinal na may pagmamay-ari sa lahat na malinaw na nakasaad sa Awit 24: 1-2 at maraming iba pang mga talata sa Bibliya. At dahil ang Diyos ang lumikha ng mundo, samakatuwid Siya ang orihinal at ganap na May-ari ng lahat. Ang ideya samakatuwid ng pagmamay-ari ay “theocentric.” Sinasabi nito sa atin na ang pang-ekonomiyang konsepto ng pagmamay-ari sa huli ay isang teolohikal na ideya. Ang ...