Mga Pinagkatiwalaang Tagapangasiwa (Stewardship)
Ang unang prinsipyo ng tipan sa Banal na Kasulatan ay ang sovereignty ng Diyos. Sa larangan ng teoryang pang-ekonomiya, ang prinsipyong ito ay nahayag sa doktrina ng orihinal na pagmamay-ari ng Diyos sa lahat ng nilikha, kabilang ang sangkatauhan. Bilang nagmamay-ari ng lahat, hindi direktang kinokontrol ng Diyos ang mundo. Bagkus ay pinamamahalaan niya ang Kaniyang pagmamay-ari sa pamamagitan ng sangkatauhan sa buong kasaysayan. Dahil sa ipinagkaloob ng Diyos ang responsibilidad sa sangkatauhan para sa pangangasiwa sa mundo, ang bawat indibidwal ay dapat maging responsable sa gawain na ipinagkatiwala sa Kaniya ng Diyos. Ang bawat indibidwal ay magkakaiba. Ang mga tao ay may magkakaibang talento, layunin, interes, libangan, at lahat ng iba pa na nauugnay sa produksyon ng ekonomiya. Ang bawat tao ay may pananagutan sa anumang mga kasanayan o pakinabang na ibinigay sa kaniya sa buhay na ito. Ang pangunahing alituntunin ng pagiging responsible ay ito: ang sinuman na pinagkatiwalaan ...